zomato gold   |  February 9, 2019

/tuh-MAH-toh/

So it has come to my attention na galing pa lang India ang Zomato. Founded by Deepinder Goyal and Pankaj Chaddah on 2008, it currently operates in 24 countries (kasama na ang Pilipinas) and is valued at around 2.5 billion USD. Pero wala tayong paki-alam diyan. Mas maganda pag-usapan kung paano ba ‘to binabasa.

Obviously it is a play on the word tomato. At gaya ng salitang potato, pwede mo siyang basahin with a short “ahh” or with a long “eyy“. But I am a pedant at imbis na planuhin kung saan ko makikita ang sarili ko in the next five years, mas concern ko ang tamang pag-gamit ng salitang “traffic“. In this case, ‘yung pronunciation ng Zomato. Please help yourselves with the following: Exhibit A, Exhibit B, and Exhibit C.

Also, joke lang ‘yung sa potato. Isa lang ‘yung tamang basa diyan.

GOLD

So may bagong service ang Zomato which is Zomato Gold (not a paid advertisement). May mga selected establishments na either buy-one-take-one sa food or buy-two-take-two sa drinks. Ito ‘yung listahan.

As of February 7, 2019, HINDI ko ma-ssuggest na bumili nito. 900 PHP siya for 12 months (or 700 PHP for 6 months). Nakuha ko ‘yung akin for 210 PHP lang. Hintayin niyo mag-promo sila ulit. PERO, kung gusto niyo pa rin mag-sign up, paki-gamit naman ‘yung friend code ko:

MIGZPO

Magkakaroon kayo ng 20% off at ako naman +1 month sa subscription. I mean, kung ipagdadamot niyo sa akin ‘yung isang buwan, edi wow.

Normal Price20% OffYou Save
12 months900 PHP720 PHP180 PHP
6 months700 PHP560 PHP150 PHP

Hindi lahat ng items eligible sa 1+1 or 2+2. Usually bawal ‘yung mga platters and set combos. Kailangan din at least dalawa kayong kakain. Hindi pwede ‘yung gutom ka lang tapos pang-dalawang tao ang oorderin mo. Pwede rin multiple Zomato Gold users sa isang lamesa. Although tricky itong part na ‘to.

Lumabas kami minsan and tatlo kami nu’n. Dalawa sa amin ang naka-Zomato Gold. Sabi nu’ng server, hindi daw pwede kasi kailangang one partner per user. Contradicting, pero all is well naman. Tandaan na promo ito mga chief, hindi karapatan.

Mainam kung babasahin ninyo ang full mechanics sa website nila. Okay din ang customer support, so ‘wag mahiyang magtanong (kung may RiteMed ba nito, lmao)

Map

Visual akong tao at minsan nahihirapan akong gamitin ‘yung app para malaman kung anong establishments ba ang Gold partners. So gumawa ako nito para sa isang tingin, alam niyo kung alin ang malapit sa current location ninyo.

Malayo pa ito sa finished product pero susubukan kong i-update as much as possible (most likely hindi). Siyempre inuna ko ‘yung BGC at Ayala Makati kasi ito ang hood ko. May short link para madali niyo matandaan (migz.es/zomato) at may naka-embed na map sa baba kasi pa-cool ako.

Bottomline

Okay naman siya. Nagamit ko na a couple of times. Isa sa Tori Ichi (lumabas 150 PHP per gyudon [2 pax]) tapos sa Slabbers (24 pieces ng wings for 150 PHP [3 pax]). Hindi ko pa na-try ‘yung mga drinks. Again, kung ako lang, mahal ang 900 PHP per year para dito.

Also, pwede ba pakisama ‘yung Agave. 🙏