time bound   |  September 2, 2019

Hindi ko alam kung bakit pero since last year, nirerecord ko ‘yung time stamps ng mga daily activities ko.



Gray ones are “sleep”, red ones are “commute” and uhh, I’ll let you decide what the other colors mean.

I posted that about eight months ago, and ‘yung data was from around September to December 2018. Visual kasi akong tao (lights on, hehe) kaya ganyan ‘yung pagkaka-present ko ng data. It makes it easier to see how my day — even the week or month — went at a single glance.

Tinuloy ko lang ito and this time mas magbibigay ako ng insights sa inyo para naman ‘yung data natin ay maging wisdom at may mapulot tayo dito.

PS. Since lahat tayo dito tamad magbasa, uunahin ko ‘yung conclusion, tapos presentation of data bago ‘yung scope and methodology.


Conclusions

Sa 24 hours na meron ako, minus:

  • 8 hours na tulog
  • 3 hours na biyahe
  • 5 hours na productive work at
  • 2.5 hours na pagkain

Meron na lang akong 5.5 hours to live my life.

Medjo “fortunate” pa ako dahil pwede kong igugol ang oras na ‘yan sa pagshare ng memes at pag-improve ng portfolio para sa LinkedIn profile ko. Pero kung may iba ka pang responsibilities, parang kulang ata ‘yan.

Favorite ko ‘tong article ng Wait But Why na The Tail End. It is a really good read and takes things into perspective. Happy ako kasi ‘yung main point na ginawa niya ay parehas sa naging realization ko. And ito probably ang gusto kong pagtuunan ng pansin bago matapos ang taon:

RELATIONSHIPS

Be it sa family, lalo na sa parents ko. Or sa friends, lalo na ‘yung minsan ko lang makita. Kung meron man akong dapat paglaanan nu’ng natitirang 5.5 hours ng araw ko, improving relationships should be my priority.

Quality time matters. If you’re in your last 10% of time with someone you love, keep that fact in the front of your mind when you’re with them and treat that time as what it actually is: precious.

That is what to be in the tail end means.

Ayoko maging dramatic, pero such is life. Let’s try our best to improve the relationships that we have. Kapag niyaya ka ng family mo to spend the weekend with them, ‘wag kang tamarin. Kapag ininvite ka ng friend mong matagal mo nang hindi nakikita, make time for them.

“Busy ako eh.” Lahat naman tayo. Hindi naman kailangan mag-introduce ng drastic change sa lifestyle mo. Start small and iterate often.

Pwede mong simulan by jotting down your daily activities and measuring how much time you spend on them. After a few week’s time, makikita mo ‘yung pattern. And then you can adjust. Rinse and repeat.

Ayos ‘no? Conclusion pero pwede rin introduction. Game.


Data

ActivityAverage Hours Per Day
Commute2:48:34
Sleep7:42:28
Work5:11:48
Leisure5:51:41
Personal Productivity1:43:56
Exercise0:53:40

Ganito ang 24 hours a day kung i-vvisualize natin.


I-plot natin ang Commute and Sleep. 

Commute

Hindi ko alam kung na-desensitize na ako at acceptable na para sa akin ang 2 hours-40 minutes na biyahe papasok at pauwi. 14km ang distance ng Paranaque at BGC. Kung kukunin mo ang average speed (at kung tama ang math) ko, that is 9 KPH.

You be the judge of that.

Sleep

Wala akong angal dito kasi ito ang target kong number of hours of sleep. Basta I try to go to bed at 11 PM and my alarm goes off at 7 AM. That is some good stuff if I do say so myself.


Next ay Exercise.


Exercise

Totally something I need to work on. One hour a day is nice, but I know I can do better.


Tapos ‘yung natitirang tatlo: Work, Leisure and Personal Productivity.

Work

Okaaaay, bago niyo ako i-crucify, it has been proven that on an eight-hour work day, we are only productive for 5-6 hours. Maybe even less. So ‘yung 5:11:48 ko is kindaaa acceptable, pero yes, can still be improved.

Relax mga ser.

Leisure

Kasama dito ‘yung lunch break at meryenda so ‘yung 5:51:41 bawasan natin ng 2:30:00 (bakit ba, growing child eh). Meron akong 3:21:41 para mag-check ng sale sa Lazada, mag-view ng Instagram stories, maglaro ng Fire Emblem Heroes at panoorin si Alison Parker.

Now this is something I have total control of. Pwede ko pa ‘tong bawasan and i-spend sa ibang activities.

Personal Productivity

Gaya ng exercise, I know I can do better.


Scope

Ang scope lang nito ay mga activities ko during weekdays from May 13 to Aug 25, 2019. Hindi naman ako nag-stop sa pag-collect ng data kaso karamihan dito ay kailangan ko pang i-sanitize. Ain’t nobody got time for that. Besides, that is around 12 weeks of data naman. Pwede na…ish.

Methodology

Simple lang naman ‘yung paraan ng pagkuha ko ng data. Bago ako mag-start ng isang activity, magbubukas ako ng timer. Kapag tapos na ako, papatayin ko na din ito. Tapos lalagyan ko lang ng tag or label ‘yung timestamp. Meron naman akong app na ginagamit para dito pero it doesn’t change the fact na medjo tedious nga siya. Gano’n talaga.

Pwede rin namang estimates lang ‘yung ilagay mo. Hindi naman tayo magppublish ng paper. Ang importanteng part dito is ‘yung mismong pag-log ng activities kasi rewarding siya. Which is why I try to do this religiously. Mabilis ang feed back loop. Pwede kong tignan ‘yung app right now and say na last week, I only spent 25 hours sleeping (that’s 5 hours a day) so maybe, I’ll try to go to bed much earlier this time.

Activities

Meron lang akong six major categories for my activities:

  • Commute – travel times to and from my house and the office
  • Sleep – most important part of my day
  • Work – productive hours at the office
  • Leisure – lunch and coffee breaks, video games, tv shows, the works
  • Personal Productivity – errands, chores, hobbies, getting things done
  • Exercise – physical activities not limited to going to the gym and running