shrimp bucket   |  February 16, 2019

🍀🍀🍀

A couple of things I want to share.

Una, ‘yung Roofdeck sa Glorietta. Chill af. May mga fake grass and tents and shit. Pumunta kami du’n nu’ng February 15 and legit may couple na nakahiga sa damuhan na naka-cuddle. Hindi ko alam kung post-Valentine’s syndrome lang ito or talagang ganito na ang galawan ng mga kabataan ngayon. (Alam ba ‘yan ng mga magulang ninyo?)

Pangalawa, ‘yung Shrimp Bucket dito. Mahilig ako sa hipon — the food. Bagama’t ito ang “ipis” ng dagat, wala akong pake-alam kasi masarap siya. Pero hindi ‘yan ang gusto kong i-highlight. As much as I love shrimps — the food, medjo particular ako pagdating sa banyo ng mga establishments. Ito ‘yung ginagawa kong batayan kung “big time” ang isang lugar o hindi.

People should start treating washrooms as sacred places. Ang mindset dapat is: lalagyan ko ng restaurant ‘yung banyo ko, hindi: dapat may banyo ang restaurant ko. Anyway, sobrang hyped lang ako i-share sa inyo ‘yung banyo ng Shrimp Bucket.

Literally napa-wow ako pagpasok ko ng banyo. I mean, hindi siya 5 star hotel banyo pero, maybe I wasn’t expecting their washroom to be like this kaya gano’n na lang ang reaction ko. Pero c’mon man, you’d be lying if you’d say this isn’t the shit. Hehe.

Spottan niyo ‘yung bidet. Fancy af coiled hose. Atska tignan niyo ‘yung sabitan niya. Post-modern.

Dalawa ‘yung toilet paper rolls nila. #blessed πŸ™

βœ” Ferns
βœ” Light Fixture
βœ” Mirror/Wall Art

Guys, just do yourselves a favor. Kain kayo sa Shrimp Bucket sa Roofdeck ng Glorietta and treat yourselves to this experience. Solid.