For someone who has been in front of a computer for a considerable time of his life (and someone who is into mechanical keyboards) — actually, hindi ako marunong mag-type nang tama.
Tinuruan kami nu’ng elementary ng touch typing. Sabi nila, mas mabilis ka daw makakapag-type ng “gg ez” kung kabisado mo ang posisyon ng mga letra sa keyboard.
Effective naman actually. Hindi ako nakatingin sa keyboard habang sinusulat ko ito. Pero bilang resulta ng isang flawed educational system na nirereward ang pagkakabisa kesa pagiintindi, mali maling daliri ang ginagamit ko sa pagpindot.
Isa ito sa mga dahilan kung bakit ayaw ko pang bumili ng split mechanical keyboard. Una, mahal. Pangalawa, karamahin sa keystrokes ko ay ginagawa ng right hand ko…
…at hindi siya pwede kapag ganyan ang itsura ng keyboard mo. Although merong tinatawag na split staggered tulad nito:
…para unti-unti mong sasanayin ‘yung mga daliri mo bago ka mag-commit sa full on split. 👻
Sinusubukan ko naman mag-aral kung paano mag-type nang tama. Bukod siguro sa speed at accuracy, malaking bagay ‘yung reduced fatigue kapag maayos or for the lack of better term — ergonomic — ‘yung position ng kamay mo.
But then again, gaya ng lahat ng bagay sa buhay, ikaw lang naman ang makakapagsabi kung worth ba ‘yung effort ng pagtatama mo sa nakalakihang mali (na gumagana naman) or malunod sa sistemang pwede na ‘yan, ‘wag ka masyadong maraming reklamo.